MRT SUICIDE NAPURNADA!
MRT SUICIDE NAPURNADA! Ni Nonnie Ferriol
LINK: http://www.abante-tonite.com/issue/jan0611/news_story1.htm
Magkahalong takot at nerbiyos ang namayani sa mga pasaherong naghihintay sa isang istasyon ng tren matapos na isa sa mga pasaherong lalaki ang tumalon at nagtangkang magpasagasa sa paparating na tren ng MRT sa Ortigas Station, Mandaluyong City kahapon.
Nagsigawan ang mga nakasaksi matapos na tumalon sa mismong gitna ng riles subalit masuwerteng hindi man lang nadurog ang katawan at hindi rin nagtamo ng kahit anong matinding sugat, maliban sa gasgas sa braso, ang lalaking nakilalang si Jesus Mendoza y Sta. Ana Jr., 43, hiwalay sa asawa, walang trabaho, at naninirahan sa No. 23B Everlasting St., Bgy. Rosario, Pasig City.
Ayon kay Liza Blancaflor, Public Relation Officer (PRO) ng MRT, alas-11:58 bago magtanghali kahapon nang mangyari ang insidente habang naghihintay ang mga pasahero kabilang si Mendoza ng tren sa MRT Ortigas Station patungong North Edsa Station.
“Habang paparating ang tren ay bigla na lang daw tumalon at humiga sa gitna ng riles ang lalaki (Mendoza) kaya talagang napailalim siya,” ayon kay Blancaflor.
Nagdulot ng pagkataranta sa halos lahat ng mga pasahero at ganu’n din sa mga security guard at personnel ng MRT ang nangyari at pinagtulungang alisin si Mendoza sa ilalim ng tren.
“Nang makuha naman daw ang lalaki (Mendoza) sa ilalim ng tren ay agad itong tumayo at parang wala lang nangyari na naglakad palabas ng station,” dagdag pa ni Blancaflor.
Ayon naman sa driver ng tren na si Raymond Mendoza, sinabi nitong bagama’t nakaalalay na ang takbo niya dahil papalapit na sa Ortigas Station, bigla pa rin umano nitong naapakan ang preno ng tren para agad huminto.
Idinagdag pa ni Blancaflor, na base sa inisyal na pagtatanong ng mga security guard ng MRT, lumilitaw na problema sa kawalan ng trabaho, hiniwalayan ng asawa at may sakit umano ang ina ang dahilan ng tangkang pagpapakamatay ni Mendoza.
Kaugnay nito ay itinurn-over pa rin ng pamunuan ng MRT si Mendoza sa Mandaluyong City Police Station upang masusing maimbestigahan at upang malaman kung nasa matinong pag-iisip ito.
Gayunman, sinabi ni PO3 Marvin Masangkay ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Mandaluyong City Police, dinala nila sa National Center for Mental Health (NCMH) si Mendoza upang mapasuri at masiguro ang kondisyon ng pag-iisip nito.
Wednesday, January 05, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
lmao!!!!!!!!!!! is this a blog or TV patrol!
LOL yaan muna! alam mo ba na mawawala yung FB daw sa mArch 15! Humor!!
Post a Comment