Tama si Hero sa buhay natin maraming hindi pantay. Hindi fair. May masaya. May malungkot. may patuloy na masaya.May patuloy na nagiging malungkot.
Halos isang buwan na din pala ng opisyal na paghihiwalay namen ni Dante. Isang paghihiwalay na akala ko ay isang hudyat ng magandang panimula. Nitong mga nakaraang araw at linggo, hindi naman ako masyadong busy, sapat lang na may oras sa trabaho at oras sa pag log in sa internet. Masaya ako sa mga bagong kakilala ko. Masaya ako sa mundong ginagalawan ko, kung saan ang mga tao ay tanggap ako.
Ang galing galing kung magpayo sa ibang kakilala ko kung paano ang proseso ng pag move on o ng paglimot sa nakaraan, kung anung pwedeng gawin, ang galing galing ko pa nga mag advise at pag mukhaing tanga ang mga kausap ko maiparating lang sa kanila na kailangan na nilang lumimot.
Ang galing, galing! Akala mo kung sino kang magaling Cielo. Weak ka naman pala. Mapag panggap kala mo nakalimot ka na sa kabaliwan, di pa no! Kanina lang sinubok mo na naman ang sarili mo, or mas okay na sabihin na sinasaktan mo lang ang sarili mo.Kundi ka ba naman isang kalahating tanga bat mo pa kasi tiningnan ang profile niya Oh anu ka ngayon Cielo nalaman mo ang katotohanan? Oh bakit ka bitter? bakit ka lungkot lungkutan? Di pa dapat masaya ka? Di ba dapat masaya ka.. uulitin ko di ba dapat masaya ka.. para sa kanya? Maling mali na bitter ka at ganyan ang iniisip mo. Wala na kayo pero bakit ganyan pa din ang pag iisip mo? Cielo bulag ka na ba? tangang tanga ka na ba?
< Oo na, tanga na kung tanga. Makulit na kung makulit, OO na wag niyo ng ipamukha bitter na kung bitter. Anong magagawa ko? Tao na marupok ang nagiging tanga pagdating sa pagmamahal. Sino kayo para diktahan ako kung paanong PAGLIMOT ang gagawin ko.
So anung nangyare.. napagdgutong ko ang mga eksena. Haist di ako makapaniwala. Oo sige andun na nga sa part na wala na kami at wala na nga talaga. Pero bat apektado ako. Ang sama ko. Ang sama sama ko talaga. Naiinis ako bakit kasi di ko matanggap na kakilala ko yung bago niyang ka relasyon? Tama. Kilalalng kilala. Sino? Siya lang naman iyong tao na isa sa mga tinakbuhan ko ng maghiwalay kami ni Dante, isa sa mga taong alam ang totoong naramdaman ko at alam kung gaano ko minahal si Dante, isang taong ang turing ko ay nakakabatang kapatid, isang taong may naibigay din sa aking payo kung paano ang paglimot sa mapait na nakaraan, isang taong .,. isang taong.. isang taoo teka di ko na kaya, kailangan kung tanggapin na SILA na.
Nasaktan ako, sa sariling sikap ko, kaya saring sikap din dapat para makaraos ako.
Dante,
Nakakatuwa no, ang saya saya mo na ngayun ayan may partner ka na at malapit na ang kaarawan mo di ba yaan ang gusto mo? ang may ka partner sa kaarawan mo. Masaya ako na masaya ka totoo yun. Wag ka namang mainis sa akin or mag isip ng kung anu dahil sa aking nararamdaman.
Sa dati kung kaibigan,
Ayos ka din pag nagkita tayo ulit, pektus ka sa akin! Adik ka din siguro kung naka add ka pa sa YM ko at FB sasabihin mo kaya sa akin kung paano nangyari ang lahat ng ito? Sino na naman ako di ba, sabagay! Haist. Di lang makapaniwala ang mommy Cielo at talagang Si Daddy Dante ang nagustuhan mo, pero teka di ba ng mga panahon na nagkakalabuan kami ni Dante may masugid kang manliligaw/ka MU? at ang taong ito din at ka close ni Dante? Akala ko ba siya ang nais mo paanong nangyare na lumiko ang mga eksena.. Grabeng pag segway ang nangyari kapatid. Okay na sige naaaaaaa OO na kayo na kung kayo. Basta ingatan mo lil bro. Pektus ka talaga sa akin pag may ginawa kang masama.
Haist buhay nga naman masaya at malungkot.
Mundo nga naman ang liit.
Si Destiny naman masyadong mapaglaro.
Si Love naman isang cycle madaming process.
Maiinlove.
Masasaktan.
Magagalit.
May pighati.
May pagpapatawad
May pagtanggap
At dun na yata papasok ang MOVE ON.
Pero bago iyon ang daming pagdadaanan.
Kaya mo iyan. Sa huli sabi nga nila at pauulit ulit na..
Makaka Move on ka din.
Monday, December 13, 2010
Palaisipan na Hindi dapat.
Subscribe to:
Posts (Atom)