Ms.Beautiful why did you took HRM?
Ako: Ah eh Ma'am I want to manage my own Hotel and Restaurant somedayy Ma'am.
Okay Ms.Beautiful so this is ur first choice?
Ako: (smile) Yes Ma'am. I really want to work at Hotel Industry, i love to coook coook , eat and cook..
Teacher: Okey you May now take ur sit Ms.
---------------------------------------------
Tandang tanda ko ang eksenang ito sa buhay ko ang mga unang araw ko sa Kolehiyo.
Sa loob ng apat na taon naigapang ako ng magulang ko para maabot ang isang piraso ng papel na
tinatawag nilang Diploma..
Sa apat na taon na yun ako'y produkto din ng " skolar ng bayan" ng Quezon City, isang programa na nag
umpisa sa panahon ni Mayor Mel Mathay at pinagpatuloy ng sumunod na Mayor na si Mayor Sonny
Belmonte. Aral dito aral doon.. research.. research.. puyat.. puyat.. gawa ng assignment ng report, ng
thesis atbp. Paminsan minsan oh sabihin na nating madalas din ay nasasabayan ng gala at kalokohan
kasama ang aking mga kaibigan, pero ganoon pa man ingat na ingat k sa grado ko, mahirap yatang
mawala sa pag skolar sayang din naman yun kahit hindi Full nakakatulong pa din sa aking pag-aaral.
----------------------------------------------
Naging pangalawang tahanan ko ang Maynila ang puso nito para sa akin ay ang Quiapo.
Nasaksihan ko kung paano magbaha sa Espanya, kung paano mag rally ang mga tao sa Mendiola,
nalibot ko ang bawat sulok ng intramuros, naging tambay sa ISETAN recto, nagliwaliw din sa luneta, naki
night life din sa Malate, ginalugad ang bawat sulok ng dibisorya at farmers cubao para lang mamili ng
aming mga gagamitin sa pagluluto.
Natuto akong mag ingat sa mga magnanakaw lalo na sa kalsada at sasakyan.
Natutong umuwi ng gabi na ang tanging dahilan ay " GROUP PROJECTS".
Minsan ay nakakaipon din ako sa aking baon na hindi tatas sa 150.00 kada araw.
Natutunan ko sa aking kaibigan kung paano kumain ng mabilisan dahil sa isang oras lang ang aming
break.
Namulat ako sa katotohanan kung anung klaseng buhay ang meron pagkatapos ng High School.
Naramdaman kung masarap mag aral.. lalo na at kasama mo ang mga tinatawag mong kaibigan.
Lahat yata ng nag aral nasanay sa cramming kung kailan pasahan na doon nagmamadali.
Kung kailan wala ng oras tska naman naghahapit. Hindi na natuto. pero sa huli nakakahabol pa din
naman.
-------------------------------------------------------
Sa buong yugto na aking pag-aaral may dalawang bagay na hindi mo maitatanggi ang hirap at saya.
Sa aking huling taon.. ako'y eksayted na maabot ang tinatawag nilang diploma. Walang hiya ang daming
pagsubok para abutin ang kapirasong papel na katunayan na pwede ka ng galangin at respituhin ng iba.
Pinaka madugo sa yugtong ito ay ang pagawa ng thesis.. halos maubos ang lakas ko at pera.
Kaya natin ito yan ang laging sinasabi ng aking ka grupo.. konti na lang at graduate na tayo..
-----------------------------------------------------
April 2007 ang lahat ay masaya salamat at heto na aakyat na tayu sa entablado..
tapos na ang apat na taon.. tapos na ang paghihirap ko.
Kasama ang aking buong pamilya at ang aking Tita.. saksi sila isa sa mga pinakamagandang nangyari sa
buhay ko.. sa wakas GRADUATE NA KO!!! Shiiiit!! Salamat po Dyos ko!!
---------------------------------------------------
Sept 2007..
Sa isang hindi inaasahang pagkakataon natanggap ako sa trabaho bilang " CUSTOMER SERVICE REP".
Teka bat andito ako, bakit andyan ka? maraming tanong.. maraming angal.. pero isang bagsak ng
sagot..
"PANANDALIAN LANG NAMAN ITO, HABANG HINDI PA AKO NAKAKAHANAP NG HOTEL NAPAPASUKAN KO".
Lumipas ang nga araw at buwan.. natuto akong sumagot ng tawag.. natuto akong makinig sav rekalamo
at pasasalamat ng mga tao.. natuto akong makinig at gumawa ng paraan kung paano sila matutulungan.
Bagay nga yata sa akin ang trabaho na ito kasi mahaba ang pasensiya ko.
Sa unang isang taon ko masasabi kung naging maayos ang lahat at sobrang nagugustuha ko ang ginagawa
ko kahit na sandamakmak ang murang inaabot ko sa mga tumatawag.
Pinagmamalaking kung wala akong absent at bihirang malate sa trabaho. Hindi ko ugaling umuwi ng
maaga okey lang ang magtagal pa sa trabaho heto lang naman ang ginagawa ko.
lumipas ang ilan pang taon..
Hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit ako nasa harap ng computer at mouse ang hawak ko.
Di pa dapat nasa kusina ako at sandok ang hawak ko? Nasaan na ang pangarap ko, paano na ang inaasam
kung trabaho? Isa nga ba ako sa mga nagtapos lang ngunit hindi naman naghanap ng trabaho na angkop
sa kanilang kurso?
Sabi ng Isip ko "kung naghanap ka ng trabaho na ayun sa totoong gusto mo, baka nagutom ka lang at ang
pamilya mo.
PRAKTIKALIDAD ang madalas na ume-eko at umaalingawngaw sa paligid ko..
PRAKTIL KA LANG.. PrakTiKAl.. KAlLL.. Call Center AgenT??!!
----------------------------------------------
Heto na ako ngayon.. dito pa din nagtratrabaho.. masaya nga ba ako ?? OO yan ang direkta kung sagot
lalo na sa mga kaibigan ko noong college.
Hanggat masaya ako.. at nakakatulong ako sa pamilya ko ito ang gagawin ko. Masaya akong nakakasama
ang mga officemate ko.. ibang iba nga ito sa napag aralan ko.. naka ilang taon na ako isusuko ko pa ba
ito?
Andiyan din ang hirap sa ibang bagay.. lalo na at hinuhubog ka kung paano humawak ng isang
responsibilidad.
Ganoon pa man.. kakayanin ko para sa sarili ko, at sa pamilya ko.
Kung tutuusin hindi naman nawala ang pangarap kung trabaho. Mahaba at malayo pa ang aking
paglalakbay patungo sa bagay na aking gusto. Sa aking paglalakbay mas marami akong matutunan, mas
marami pa akong dapat malaman.
----------------------------------------------
Maging masaya ka lang.. piliin mong maging masaya.
Minsan hindi nga talaga natin kontrolado ang mga bagay pero may paraan naman para maging
Monday, July 12, 2010
Subscribe to:
Posts (Atom)