Nasa tao kung magmukhang kang tanga
Nasa tao kung magmukha kang stupido
Nasa tao kung magmukha kang kawawa
Nasa tao kung magmukha kang mayabang, arogante at walang pinag aralan
Ayan na naman tayo sa "walang taong perperkto" kung nababayaran lang tayo sa pag gamit ng salitang ito baka mayaman na tayo.:)
Kanyang kanyang paraan ng pamumuhay
Kanya kanyang way nang paghanap ng kasiyahan.
May taong easy go lucky
May taong loner for life
May liberated
May mukhang tanga
May malandi
may matalino
May maganda at ako yun
May panget kayu yun.
May taong mahina.. mali din naman ang laging pinanghihinaan
May taong strong ang personality.. matibay at may attitude.. nagkamali na sila pa ang mataas.
May taong tama ang timpla .. sa pananaw sa buhay.
Sa mundong ito may mga bagay na mahirap tanggapin.. May mga bagay na nangyayari na di natin ginusto.. bilang isang babae na mahina at di kasing lakas niyo .. nasa akin na kung hanggang saan ko kayang mabuhay sa nakaraan..
Nasa inyu na kung gaano niyo kadaling burahin ang mga bagay na tapos na.
Naging masaya ka sa sarili mo/ sarili ko naisip mo ba ang iba? Yung mga taong naapektuhan.
Inintindi mo ba siya?Sila?.
Selfish ako.. ganun ka din at sila.
Di ko na palalawigin ang usapan alam mo ang ibig kung sabihin.
Kailan mo masasabi na parte na siya ng nakaraan? Alm mo kung kailan?
PAG HINDI MO NA SIYA INIISIP SA KASALUKUYAN.
Ang pag move on ay isang mahabang proceso na dumedepende sa uri ng tao at pagkatao. Walang karapatan sino man na kwestiyunin ang paraan ng mag move on. Kahit mukha na ako/ikaw tanga at kawawa. wlaang sino man ang pwedeng magtanong kung bakit sa dinami dami ng mga pwedeng magagandang bagay na nangyayari eh pilit mo pa din niyayakap at di makahulagpos sa nakaraan.
Anu man ang bagay na gusto mong iwan sa nakaraan. tiyak ko na darating ang panahon na lilingunin mo ito di upang tingnan or balikan ang dapat itama. Ginagawa mo yun dahil may aral lang natutunan.
Kung sakali naman na may di nagawa sa iyo ang isang tao dahil sa hindi magandang nakaraan. Dapat bigyan mo ng pag intindi lalo na kung naging parte siya ng buhay mo dati. Maaring di pa siya tuluyang nakaka move on. At sana intindihin niya na lang.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment