BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Wednesday, January 05, 2011

Admiralty MRT Suicide

MRT SUICIDE NAPURNADA!


MRT SUICIDE NAPURNADA! Ni Nonnie Ferriol

LINK: http://www.abante-tonite.com/issue/jan0611/news_story1.htm

Magkahalong takot at nerbiyos ang namayani sa mga pasaherong naghihintay sa isang istasyon ng tren matapos na isa sa mga pasaherong lalaki ang tumalon at nagtangkang magpasagasa sa paparating na tren ng MRT sa Ortigas Station, Mandaluyong City kahapon.
Nagsigawan ang mga nakasaksi matapos na tumalon sa mismong gitna ng riles subalit masuwer­teng hindi man lang nadurog ang katawan at hindi rin nagtamo ng kahit anong matinding sugat, maliban sa gasgas sa braso, ang lalaking nakilalang si Jesus Mendoza y Sta. Ana Jr., 43, hiwalay sa asawa, walang trabaho, at naninirahan sa No. 23B Everlasting St., Bgy. Rosario, Pasig City.
Ayon kay Liza Blancaflor, Public Relation Officer (PRO) ng MRT, alas-11:58 bago magtanghali kahapon nang mangyari ang insi­dente habang naghihintay ang mga pasahero kabilang si Mendoza ng tren sa MRT Ortigas Station patungong North Edsa Station.
“Habang paparating ang tren ay bigla na lang daw tumalon at humiga sa gitna ng riles ang lalaki (Mendoza) kaya talagang napailalim siya,” ayon kay Blancaflor.
Nagdulot ng pagkataranta sa halos lahat ng mga pasahero at ganu’n din sa mga security guard at personnel ng MRT ang nangyari at pinagtulungang alisin si Mendoza sa ilalim ng tren.
“Nang makuha naman daw ang lalaki (Mendoza) sa ilalim ng tren ay agad itong tumayo at parang wala lang nangyari na nag­lakad palabas ng station,” dagdag pa ni Blancaflor.
Ayon naman sa driver ng tren na si Raymond Mendoza, sinabi nitong bagama’t nakaalalay na ang takbo niya dahil papa­lapit na sa Ortigas Station, bigla pa rin umano nitong naapakan ang preno ng tren para agad huminto.
Idinagdag pa ni Blancaflor, na base sa inisyal na pagtatanong ng mga security guard ng MRT, lumilitaw na problema sa kawalan ng trabaho, hiniwalayan ng asawa at may sakit umano ang ina ang dahilan ng tangkang pagpapaka­matay ni Mendoza.
Kaugnay nito ay itinurn-over pa rin ng pamunuan ng MRT si Mendoza sa Mandaluyong City Police Station upang masusing maimbestigahan at upang malaman kung nasa matinong pag-iisip ito.
Gayunman, sinabi ni PO3 Marvin Masangkay ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Mandaluyong City Police, dinala nila sa National Center for Mental Health (NCMH) si Mendoza upang mapasuri at masiguro ang kondisyon ng pag-iisip nito.

Ang nakaraan sa buhay ni Juan

Nasa tao kung magmukhang kang tanga
Nasa tao kung magmukha kang stupido
Nasa tao kung magmukha kang kawawa
Nasa tao kung magmukha kang mayabang, arogante at walang pinag aralan

Ayan na naman tayo sa  "walang taong perperkto" kung nababayaran lang tayo sa pag gamit ng salitang ito baka mayaman na tayo.:)

Kanyang kanyang paraan ng pamumuhay
Kanya kanyang way nang paghanap ng kasiyahan.
May taong easy go lucky
May taong loner for life
May liberated
May mukhang tanga
May malandi
may matalino
May maganda at ako yun
May panget kayu yun.


May taong mahina.. mali din naman ang laging pinanghihinaan
May taong strong ang personality.. matibay at may attitude.. nagkamali na sila pa ang mataas.

May taong tama ang timpla .. sa pananaw sa buhay.

Sa mundong ito may mga bagay na mahirap tanggapin.. May mga bagay na nangyayari na di natin ginusto.. bilang isang babae na mahina at di kasing lakas niyo .. nasa akin na kung hanggang saan ko kayang mabuhay sa nakaraan..
Nasa inyu na kung gaano niyo kadaling burahin ang mga bagay na tapos na.
Naging masaya ka sa sarili mo/ sarili ko naisip mo ba ang iba? Yung mga taong naapektuhan.


Inintindi mo ba siya?Sila?.

Selfish ako.. ganun ka din at sila.
Di ko na palalawigin ang usapan alam mo ang ibig kung sabihin.

Kailan mo masasabi na parte na siya ng nakaraan? Alm mo kung kailan?
PAG HINDI MO NA SIYA INIISIP SA KASALUKUYAN.

Ang pag move on ay isang mahabang proceso na dumedepende sa uri ng tao at pagkatao. Walang karapatan sino man na kwestiyunin ang paraan ng mag move on. Kahit  mukha na ako/ikaw tanga at kawawa. wlaang sino man ang pwedeng magtanong kung bakit sa dinami dami ng mga pwedeng magagandang bagay na nangyayari eh pilit mo pa din niyayakap at di makahulagpos sa nakaraan.

Anu man ang bagay na gusto mong iwan sa nakaraan. tiyak ko na darating ang panahon na lilingunin mo ito di upang tingnan or balikan ang dapat itama. Ginagawa mo yun dahil may aral lang natutunan.

Kung sakali naman na may di nagawa sa iyo ang isang tao dahil sa hindi  magandang nakaraan. Dapat bigyan mo ng pag intindi lalo na kung naging parte siya ng buhay mo dati. Maaring di pa siya tuluyang nakaka move on. At sana intindihin niya na lang.