BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Wednesday, July 14, 2010

dalawamput limang kung saan-saan lang galing na mga bagay tungkol sa akin

Patakaran: Pag ikaw ay na "taya", kelangan mong magsulat din ng ganitong mahabang note, kung ano man ang gusto mong ilagay eh bahala ka na. Tapos mamili ka ng dalawamput limang tao para ma-"taya"
kelangan mong tayain ang taong tumaya sayo, wala kang magagawa iyon ang patakaran dito sa facebook. Pag na "taya" ka ibig sabihin nito ay gusto nilang may malaman pang ibang mga bagay tungkol sa iyo (mga tsismoso sila).

para magawa mo ito, pumunta ka sa profile mo at piliin ang tab na "notes". idikit itong alituntunin sa katawan ng note, magsulat, man-"taya".. at ipublish...

(dahil sertified gaya gaya ako, gagawa din ako neto) >,<

1. Rose ang second name ko at ayoko nito pero ngayun sa tulong ng isang kaibigan ay na appreciate ko na ito.

2. Green ang favorite color ko, kahit na isang linggo akung naka green pagpasok sa duty ko walang problema.

3. Mas gusto ko ang Milo kesa sa kape. Dahil kung kape ang iinumin ko nanginginig ang mga tissue ng katawan ko.

4.Mas gusto ko ang duty na pang gabi kaysa sa araw.

5. Hindi ako naniniwala na lahat ng bago ay maayus at maasahan.

6. Sinasabuhay ko ang mga sinasabi ni spongebob weird pero kung tutuusin may kapupulutan kang aral sa palabas na iyon.

7. Mahilig akung makipagkwentuhan sa taong maraming kwentu tungkol sa kanyang mga kalungkutan at hinaing sa buhay sa katulad kasi nila marami kang matutunan.

8. Selosa ako minsan sa isang kaibigan.

9. Takot ako sa salitang bandwidth

10. Kung puyat ako. Gusto ko ng maraming pagkain. Gusto ko sa ulam ko may mainit na sabaw.

11. Mas gusto kung magbasa kaysa manuod ng movie.

12. Mahilih din akong magsulat ng random thoughts tulad nito actually nakagawa na nga ako ng libro tungkol dito. Pero siyempre pauso ko lang iyon.

13. Isa ako sa libo-libong pans ni Bob Ong! (obyus ba?)

14. Mahilig akong umalis ng bahay at hindi umuwi sa amin siyempre nagpapaalam naman ako sa amin.

15. Naging paborito ko noong highschool ang magaling na si Doktora Margie Holmes haha!

16. Wala akong favorite song,singer,movie.

17.Mas gusto ko pa manood ng mga pelikula na sobrang luma kesa panoorin ang mga reality show. (kaplastikan lang yun)

18. Food Trip at laugh trip yan ang hobby ko.

19. Pag seryoso ako seryoso ako.

20. Minsan mas gusto ko ang usapang one on one sa kaibigan kesa grupong usapan at least sa one on one mas makikilala niyo ang isat isa.

21. Mahilig akong magpbigay ng mga simpleng bagay sa taong close sa akin mga bagay na para sa akin ay may sentimental value kahit na para sa iba yun ay basura lang X_X

22. Di ko kilala si edward cullen.

23.Eba Ponda ako! ( Eba Ponda- Correct spelling is Eva Fonda) sa madaling salita ang P ko ay F at ang v ko b gets??

24.Pasaway sa ilang bagay di ko na babanggitin at baka lumampas tayu sa 25.

25. Naniniwala akung hindi lahat ng INIIWAN ay NALULUNGKOT at higit sa lahat hindi lahat ng UMAALIS ay may pwedeng BALIKAN