BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Wednesday, April 14, 2010

Dyaryo

ANG KWENTONG ITO AY RESULTA NG MALIKOT NA UTAK NG MANUNULAT

DYARYO

Tuwing umaga pag-mulat ng aking mga mata, sinag ng araw ang sumasalubong sa akin!
Pero umaga pa nga ba? Halos alas dose na pala ng tanghali, late na naman pala ako ng gising. Di pa man tuluyang nakakadilat ang kaliwang mata ko cellphone na agad ang aking hinapuhap!
Katulad pa din ng dati sa Ilalim ng unan ko ito nakita! Teka may limang mensaheng natanggap nakaagaw pansin sa akin ang bagong numero..

"hi good am Poh! MasaRap ba anG tUlog Ng HEarT KoH'! Sana GiSinG KanA mIss Na Kita weH"

Ayos parang kaninna lang halos magdamag ko itong kausap at heto na naman at kinukulit ako.
Naalala ko na madaling araw na pala akong naktulog di ko naman gawain dati ito di ko alam pero ginawa ko ng libangan ang pagpalitin ang araw at gabi.

Para sa akin ang pag sapit ng gabi ay katumbas ng isang napakahalagang bagay. Sa gabi maraming nangyayari may kung anung kiliti ang kumukurot sa pagkato ko tuwing sasapit ang gabi lalo na ang salitang madaling araw.

Ang katahimikan sa Gabi ang lubos na nagbibigay sa akin ng lakas ang katahimikan na pinag-mumulan ng panibagong ingay mga kaluskos na di mo alam kung saan hinuhugot!

Teka tama na muna ang pag-iisip,

Hoy Ate wika ng aking kapatid "maglaba ka daw sabi ni Nanay"
Titigan ko lang siya at di papansinin
Agad ko na namang kinuha ang cellphone ko pero nagbago din ang isip ko cge na nga nakakahiya naman kay Nanay tutulungan ko na siya.

Habang kinukusot ang damit may kung anung naglalaro sa aking isipan, hindi naman ako ganito saan ba nagsimula na maglaro at maglakbay ang diwa ko.

Naalala ko na sa edad na 10 nasa elementarya palang ako. Si tatay pala noon madalas bumili ng dyaryo at iiwan na lang basta sa aming sala, ako naman ay isang musmos na mhilig magbasa kinuha kung ang dyaryo kung di ako nagkakamali bulgar iyon, agad binuksan at biglang pumukaw ng aking pansin ang isang bahagi nito

"TOTOY MOLA IPINAGLIHI SA KABAYO"

Nagpatuloy akung magbasa at tandang tanda ko pa ang mga unang nabasa ko.

" dahan dahan nag labas pasok ang aking daliri sa kaselanan ni Candella, tulog na tulog ang dalaga pero basang-basa ang kanyang kaloob looban *************"

Habang pinagpapatuloy ang pagbabasa anu itong nararamdaman ko anu itong naglalaro sa isipan ko di ko lubos maisip na noon pala sa edad na 10 eh nadala at nadarang na ako ng babasahin na iyon, nasubaybayan ko ang kwento na iyon dahil patuloy ang pagbili ni tatay ng dyaryo doon nagsimula nag lahat dahilan naman upang maagang mas mamulat ang isipan ko sa mundo ng sexualidad

Sa edad na 12-16 usap-usapan na din sa aming silid aralan ang tungkol sa bagay na yan noong una ay di pa ako nagpapahayag ng saloobin tungkol sa bagay na iyan! Pakiramdam ko ay huling huli na ako sa pangyayari para bang aping-api ako!

Nang magkolehiyo ako lumalala na ang pag ka interes ko dito
Sa edad na 17 nasubukan ko na ang pakikipag talik sa telepono oo
tama kayo di ko ilalahad ang buong detalye pero isa lang ang tiyak na garantisado 75% ng pagkatao ko ay sinaklaw ng interes tungkol sa makamundong pagnanasa
dumating sa punto na inis na inis na ako sa sarili ko kasi di na ako iyong simpleng babaeng bata na wala lang ibang alam kung di manood ng tv at kumain

Dumating sa punto na nagawa ko na ding makipag kita kung kani-kanino]
Nakaka inis di ko mapigilan di ko maiwasan na gumawa ng mga bagay na may kinalaman sa sex

Diyos ko patawarin mo po ako kung anu man ang nagawa ko, marahil ay di ko nga ninais na lumaki agad pero inasam ko naman agad na matutunan ang mga bagay na di pa dapat matutunan. Napaka aga pala masyado ng mamulat ako dito ito ngayon ang naging result sa mata ng magulang ko at mga kamag-anak ko malinis pa ako buo pa ako isang hiyas na iniiwasang magasgasan oh madungisan. Pero balibaligtarin ko man ang mundo sa Mata ng Diyos at alam ko sa sarili ko na wala na binigay ko na, napaka aga di ako naka pag hintay ng tamang panahon.

Bakit! Bakit!

Ngayon pagnakakakita ako ng babaeng masasabi kung birhen pa naiingit ako at di maiwasang ma poot sa sarili ko

Pero anu pa nga bang magagawa ko di ko na maibabalik yoon
bakit ngayon pa ako nagpahalaga sana noon pa sana noon pa!

Hindi pa naman huli ang lahat naisip ko na
" Hindi ako dapat ang paglaruan ng tukso, Ako ang magmamanipula nito"

Anak may problema ka ba sambit ng aking Ina habang kinukusot ko ang aking nilalabhan

"Nay wala naman po"

Masyado na pala malalim ang naisip ko kasing lalim ng pagsisi ko

Minsan na akong nadapa at nagkamali sa sarili kung pagkakamali doon ako kukuha ng paraan para maitama ito. Ang tanging naging kasalanan ko lang naman hinayaan ko ang sarili ko na mainvolve sa mundo ng sexualidad ng maaga!