BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Monday, December 27, 2010

CCSLGD and SG Christmas Party

Apat na buwan ko na din silang nakakakulitan. Mga kasing lulusog ko. Mga makukulit at walang tigil na kaharutan. Mahal ko kayo guys. Tanggap natin ang isat-isa. Dahil sa inyo lalong nag ningning ang 2010 ko. :)

Francis, Qhel, Ouch, Arvie, .. ay teka ang dami sila po ang aking CCSLGV and SG Family :)
Ako at si Junakis GHIE/Miggy. Siya lang ang tumatawag sa akin na MUDAK hehe :>
Mukhang ligayang ligaya si Ladee sa picture na ito hahaha!

:)

Ravi taas mo pa kamay mo! :) Jade me and the manager Tony ;-) bali sa kanya yung bar. :)
At jade bata ka saan ka nakatingin?
Pansin niyu Im the ONLY PRINCESS here ^___^.. Tuhmaaaa! Feeling spoiled ako lagi :D
Pero dito ako di maka get over :)) Ahahaha JB dear saan mo dadalhin ang UPUAN?

Anyway kailan nga ito? December 17 yup. Christmas party namin. Kakaloka ang saya. Humabol pa si Qhel :)
Miss ko na silang lahat. Miss ko na mga hugs nang bhebhe ko! :) Salamat sa  kwentuha at saya. :) Kita kitz sa 2011. :)

Friday, December 24, 2010

MERRY CHRISTMAS TO ALL!

Merry Christmas sa ating LAHAT! :) tulog na ang nanay at tatay ko. Ako naman babad sa FB hehehehehehehehehehe. Yung dalawa bagets nasa labas. :)  God Salamat po sa lahat ng blessings sa family ko and work. :) Yay Happy Happy <3

Thursday, December 23, 2010

Party @ Central BBQ Boy Grill - Madison Square

I soo love love  MADISON SQUARE :].Central BBQ Boy Grill - Madison Square is the official gimik place of CS and FS Team. Hehehehe :) and the official drink is "BADTRIP" fyi lang ang mix ng badtrip is curacao,pineapple juice,vodka and gin. :) See yah there next year yung unang payday! :).

After the shift chillax muna with Noel, Mel, Wheng, Nadene, Pau and wait there's more humabol ang lalabs ko si Gerwin hahahaha. Char :)

Since kulang ako sa budget nag separate order na lang ako. Yumyum :)

  
Yeah :>
Mukhang likey likey ng Team ang BADTRIP :))
Love you guys specially yung katabi ko hahaha! Choz lang :>

Tuesday, December 21, 2010

Ang pangarap kung Jackpot ( Choz)

Yay! Pers time in my life. Kent belib it. Iniisip ko lang eh.. nanalo ako ng bonggang REF, sa aming year end party yesterday. HAHAHAHAH. So heto ang eksena, Ako wala lang nakikinig lang at di masyadong pinapansin si Ma'am Carla kasi di ko di expected sa dami ba naman ng empleyado ng Phil****. Tantaraaannnraaaan! And the major prize goes to Ms.DONNA ____! Ako: walang reaction pang Ms. Universe ang reaction. Sabi ni Sir Jaramilla wala daw akong reaction at parang iiyak daw. Ahahahahah kakahiya! Anyway may isang problem kung paano siya iuuwi ang layo ng bahay ko :D malamang sa malamang nasa 1500 ang gagastusin ko dito ayus lang ahaha! At least may ref na ulit kami.  I can now make different dessert na gusto ko. Thanks Guys! Gandang regalo para sa pamilya ko! :D

Sunday, December 19, 2010

User's Manual (at maraming salamat po sa mga tumangkilik)

User's Manual (at maraming salamat po sa mga tumangkilik)

by Bob Ong on Monday, December 6, 2010 at 11:26pm
Bunso, iwasan mo ang ugaling mapagmalaki nang dahil lang sa ikaw ang unang nakabili ng gusto mong libro o nakaabot ka na sa page 20.  Ang mas magandang gawin, humanap ka ng bakante mong oras at kumportableng lugar kung saan ka makakapagbasa ng libro nang maayos at walang istorbo.  Tapos sulitin mo ang ipinambili mo ng libro (o ang pag-aabala mong magbasa kung hindi man ikaw ang bumili ng libro) sa pamamagitan ng pag-unawa sa kabuuhan at maliliit na detalye ng kwento.  Saka ka ngayon magyabang sa mga kaibigan mo dahil naintindihan mo ang binasa mo!  =>  Hindi gaanong magiging masaya (o maayos) ang karanasan mo sa pagbabasa kung magtu-Tweet ka minu-minuto o mag-a-update ng status sa Facebook sa bawat lipat mo ng pahina ng libro.  Bigyan mo ng oras ang sarili mo at karapatan na matahimik sa isang tabi kahit paminsan-minsan, at huwag katakutan ang paggawa ng iisang bagay lang sa iisang sandali.  Lumaki ka man sa panahon ng multitasking at limang minutong attention span, marami pa ring bagay sa buhay ang mas magugustuhan mo kung paglalaanan ng sapat na panahon at hindi mamadaliin.  Magandang ugali rin ang hindi pagkwento ng mga importanteng detalye ng librong nabasa mo bilang respeto sa mga kapwa mo mambabasang hindi pa tapos ang libro.  Dahil sa maniwala ka’t sa hindi, hindi dahil sa tapos ka nang magbasa ay sabay-sabay na ring natapos ang ibang mga mambabasa.  Marami ka pang mababasang libro na hindi man isinulat ng mahusay na manunulat ay magugustuhan mo pa rin dahil ikaw ay mahusay na mambabasa.  Maraming salamat sa pakikiisa sa layunin nating gawing bayan ng mga mambabasa ang ating bansa. => 
BY: BOB ONG
http://www.facebook.com/profile.php?id=1261430479#!/notes/bob-ong/users-manual-at-maraming-salamat-po-sa-mga-tumangkilik/466875696469
-----------------------------------

Im just sharing this stuff. Galing Mismo sa Official Fan Pages niya sa Facebook.