BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Sunday, December 19, 2010

User's Manual (at maraming salamat po sa mga tumangkilik)

User's Manual (at maraming salamat po sa mga tumangkilik)

by Bob Ong on Monday, December 6, 2010 at 11:26pm
Bunso, iwasan mo ang ugaling mapagmalaki nang dahil lang sa ikaw ang unang nakabili ng gusto mong libro o nakaabot ka na sa page 20.  Ang mas magandang gawin, humanap ka ng bakante mong oras at kumportableng lugar kung saan ka makakapagbasa ng libro nang maayos at walang istorbo.  Tapos sulitin mo ang ipinambili mo ng libro (o ang pag-aabala mong magbasa kung hindi man ikaw ang bumili ng libro) sa pamamagitan ng pag-unawa sa kabuuhan at maliliit na detalye ng kwento.  Saka ka ngayon magyabang sa mga kaibigan mo dahil naintindihan mo ang binasa mo!  =>  Hindi gaanong magiging masaya (o maayos) ang karanasan mo sa pagbabasa kung magtu-Tweet ka minu-minuto o mag-a-update ng status sa Facebook sa bawat lipat mo ng pahina ng libro.  Bigyan mo ng oras ang sarili mo at karapatan na matahimik sa isang tabi kahit paminsan-minsan, at huwag katakutan ang paggawa ng iisang bagay lang sa iisang sandali.  Lumaki ka man sa panahon ng multitasking at limang minutong attention span, marami pa ring bagay sa buhay ang mas magugustuhan mo kung paglalaanan ng sapat na panahon at hindi mamadaliin.  Magandang ugali rin ang hindi pagkwento ng mga importanteng detalye ng librong nabasa mo bilang respeto sa mga kapwa mo mambabasang hindi pa tapos ang libro.  Dahil sa maniwala ka’t sa hindi, hindi dahil sa tapos ka nang magbasa ay sabay-sabay na ring natapos ang ibang mga mambabasa.  Marami ka pang mababasang libro na hindi man isinulat ng mahusay na manunulat ay magugustuhan mo pa rin dahil ikaw ay mahusay na mambabasa.  Maraming salamat sa pakikiisa sa layunin nating gawing bayan ng mga mambabasa ang ating bansa. => 
BY: BOB ONG
http://www.facebook.com/profile.php?id=1261430479#!/notes/bob-ong/users-manual-at-maraming-salamat-po-sa-mga-tumangkilik/466875696469
-----------------------------------

Im just sharing this stuff. Galing Mismo sa Official Fan Pages niya sa Facebook.

No comments: