BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Thursday, November 18, 2010

Praning

Ten days na pala ang nakakaraan simula ng maghiwalay tayo.Malinaw naman iyong pinag usapan natin na " magiging magkaibigan tayo".Masyado ba akong pressure sa buhay mo? Hindi ko alam kung anong nangyayari. Masyado ba akong umaasa na babalik pa yung dating ikaw? Nakakapraning.. Nakakainis.. Nakakalungkot.

Sa limang taon kung relasyon, masasabi kung nagawa ko ang part ko para hindi kami magkahiwalay, may ginawa ako bilang partner, ngunit sa ating maikling pagsasama, naiinis ako dahil may magagawa sana ako, may pwede sana akong gawain para mas manatili ka sa akin, ngunit nabigo ako at ang resulta ay nawala ka sa akin. Sobrang welcome sa akin ang idea na "break up".
Dahil alam kung pagkatapos noon magiging kaibigan pa kita, makakasama, makakatext, makaka-usap, pero bakit ngayon masyado ka namang mailap sa akin. Sa bawat oras na  wala ka man lang simpleng text nasasaktan ako.

Bakit nga ba ako naghihintay sa txt mo? Bakit ko kailangan bantayan ang Facebook mo, bakit ko kailangan i assume na para sa akin ang lahat ng iyon, ayokong dumating sa punta na gusto kung mawalan ng connection sa iyo.. heto na naman tayo sa stages ng moving on.. ang hirap talaga lalo na kung ayaw mo pa.

Gusto kitang makausap pero di pa ngayon, hayaan ko muna ang sarili ko na mag li-low sa iyo.
Ganun ka din ba sa akin?

Naging masama ba akong at walang kwentang partner? Iyon kasi ang nararamdaman ko.
Wala nga ba akong ginawa? Sa sandali panahon ng pagsasama namin.. gaano ako naging kahalaga sa kanya?

Siguro nga di pa ako handa, handa sa isang relasyon, bat ko nga naman kasi gustong sumugod na.
Pasaway kasi ako, papasok sa isang bagay na di naman kaya.

Anyway bakit ko ba sisihihin ang sarili ko, kaya ko bang pigilan maging sobrang masaya? kaya ko bang pigilan na sobrang maging malungkot?

Lilipas din ito. Kaya mo Iyan. Magtiwala ka sa sarili mo :(. Nalulungkot ako, di ko pwedeng iiyak sa opis magtataka sila, di ko naman pwedeng iiyak sa MRT para naman akong tanga, pero gusto kumawala ng luha ko para mabawasan ang nararamdaman kung lungkot. Gustong gusto kitang makausap, gusto kung umiyak,! Marami akong gustong sabihin.. di ko magawa.. ayoko ng mahiya.

~END kailangan ko ng maligo at papasok na ko.

No comments: