BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Saturday, January 30, 2010

Friday Night Out!



Mga isang linngo bago ang birthday ni Mikey excited na ang lahat sa mangyayaring tomaan Haha.. u Matagal tagal na din kasi yung huling bonding moments sa mga taong ito.

Sa oras ng trabaho mo wala lang ibang iintindihin kundi ang mga bagay na bagay na may kinalaman sa email mo.. yung mga concern ng kasama mo.. yung mga english mo baka kasi english carabao nakakahiya naman naturingan pa naman leader.. Minsan nakakapagod parang paulit ulit ang ginagawa mo peo ganoon talaga.. para mabuhay kailangan mong magtrabaho.

Wag mapagod magtrabaho.
Mahalin ang trabaho
Maging masaya sa ginagawa mo.
Maging mabuti sa katrabaho mo

Isipin mo na lang di naman 10 oras o higit pa ang ilalagi mo sa trabaho mo
bawat time in ay may katapat na time out.

Bawat ginagawa mo ay may katapat na responsibilidad.

Pagkatapo ng trabaho dun ka na magsaya kung may pagkakataon ka na umalis at lumabas bakit hindi.. mahirap mabaliw sa trabaho at ang naiisip kung paraan para di ako matuluyan ay paglabas kasama ang mga kaibigan ko :)

Masaya ko pagkasama ko sila
Di maubos ang kwento
Di maubos ang tawanan
Walang humpay na halakhakan.

Andyang may magbabahagi sa iyo ng mga pangyayari sa buhay nila.
Sa harap ng mahabang lamesa na puno ng inumin at ng pagkain nabubuo
ang aming kwentuhan.. may nagbabahagi ng kabiguan.. at kung anu anu pa.

Patapos na at palalim na ang gabi..



Tapos na and saya balik sa problema back to reality. Ganoon talaga wala namang dapat i-ka bitter sa buhay tamang balance lang kung may paghihirap at mag sasakripisyo merun din saya.

-> :)

No comments: