BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Tuesday, February 16, 2010

Fuck Yeah Blue Screen!

BSOD SUCKS!


I hate it when i see it the blue screen in my laptop.
Isang indication na may problema si neo ko at kailangan kung isangguni sa aming technical.
Pag laptop ko ang problema naku asahan mo di ako makakain.

Kagabi pikon na pikon ako blue screen at kung anu anung mga sulat ang bumulaga sa akin pag bukas ko kay Neo. Naawa ako sa kanya ayokong ayoko yun nakakapraningh.. nakakabaliw pag may kung anung application error ang na encounter ko.

Oh nanay! Di ako ako makakain.. di pa ako nakakapag bihis ng damit inabot na ako ng alas nueve nang mapag pasyahan kung i shut down na lang si neo..

Kinuha ko ang bag..
Binalot ko siya .. sinama ang charger .. ang mouse at ang sun broadband.

Dadalhin ko siya sa Office... ipagkakatiwala sa mga dalubhasang technical namen.
Para ko siyang anak na dadalhin sa Doctor..

Sa konklusyon ko kailangan niya ng reformat hay heto na naman kami.
Oo ngat pag ni reformat masaya at bagong buhay niya... pero kumbaga sa bata
tuturuan mo na naman sa basic.. kailangan ko na naman na mag install ng mga bagay bagay..

Sinumsumpa ko muli... may kaparusahan ang aabuso sa susunod ng aking baby neo!

Saturday, February 13, 2010

Rosas Locker ni Nene




Well kanya kanyang gimik.. kasasabi ko lang na wala sa pagbibigay ng rosas ang batayan. :P Anyway cute pa din naman. Nakita lang ito ni Krystna sa locker niya.. Ahahaha :) SIno namang matipunong lalaki na nagbigay nito :P

Anyway natuwa lang ako sa effort at presentation! =()











Oh di bah

Sunday Morning!

Ang hirap gumising...
Araw pala ng mga puso ngayun kamusta naman..
Bitter bitterran na naman ba ang drama ko sa buhay..

Masarap magkape..
Masarap ang baon kung mamon at hopya..
Masarap na makatanggap ng rosas..
Mukhang malabong mangyari..

>:
Wala pang matinong balentaynz date bukod nuong isang taon
Di ko na babangitin kung sino kasama ko basta masaya ako noon..

Mamaya ka mapagbigyan ako ng tadhana?

party peepz!










Ang saya ang ganda ng combination namen nila Sir Ricky :P

Party talagang maituturing gabing yun >:D


Friday, February 12, 2010

pretender!

Nakausap ko siya kahapon pero mukhang nagbago ang tono ng pananalita niya.
Mas malambing yata. Tsaka mukhang medyo nag matured siya.

Mejo nadown siya pag napag uusapan namin ang pera.
Wala kasi yata siyang dalang pera.
Well anyway di naman mahalag yun eh.

Sorry na langd in kasi ang mind set natin pag balikbayan ka eh marami kang pera at marami kang pasalubong.

Wala siyang magiging takas sa mata ng mapanlait at mapanghusgang lipunan.

Wala ka na bang karapatang tawaging balikbayan kung wala kang nag uumapaw na pera?

Umalis ka ng wala darating ka ng wala.

So anung kinalaman ng Subject ng blogs ko sa post ko?

Malalaman pa yan sa susunod na blog. Ouch. Labo!!

Wednesday, February 10, 2010

Yoyo ka ba? Bat bumabalik ka?


> Dino: Di ba Foul na yang status mo?
>Ako: Ah bsta!!
>Dino: Kayo pa ba?
>Ako: bsta!
>Dino: ?

Paano ko ba sisimulan? Langyah ewan ko di ako natutuwa. Di ako masaya. Kung akala niyo masaya pwes hindi.

Sa kalagitnaan ng trabaho ko may biglang tumawag.. sinabi nito na uuwi na daw siya sa Feb 12.. Duh so wat i dont care.. and anu naman gusto niya gawin ko magsaya? maging masaya?

Ewan ko pasensiya na pero di maganda ang balita na yun.
Una sa lahat di niya kinaya yung 2 yrs?

Malamang...

Well anyway malayo naman siya sa amin kung sakaling babalik na nga siya.. Di din talaga kami madalas magkikita.. unless na magtiyaga siya na puntahan ako lagi..

Masama na kung masama..
Bitter na kung bitter..
Choosy na kung choosy..
Maarte na kung maarte..

Ayoko namang mag pretend na happy :(

Nasanay na ako ng wala ka.. ngayong babalik ka di ko alam..

Unfair na isa lang ang nag effort sa isang relationship.

Hindi ko na alam ang pakiramdam na paghawak ko ang kamay mo.
Ni wala kang maramdang init oh silakbo kung iisipin kung dadampi ang labi mo sa labi ko.
Ayokong maging plastik,, ayokong maging dahilan ng kalungkutan mo.
Sa pag uwi mo dito.. baka mas lalo ka lang masaktan..
Malapit ka nga.. malayo pa din ako sa iyo..

Di ko alam kung hanggang saan magtatagal ang ganito.
Di ko alam kung hanggang kailan ako magiging masama sa iyo.
Di ko alam kung hanggang kailan mo akong kayang intindihin.
Di ko alam kung hanggang kailan ko kayang maging mabait.
Di ko alam kung hanggang kailan.. hanggang kailan...


Di ko alam kung paano binago ng panahon ang alab at init ng pagmamahal ko sa iyo.
Saan ka nagkulang.. saan ako nagkulang.
Sino ang may pagkukulang..

Sige tingnan natin kung hanggang saan ka makatiis ..






Tuesday, February 09, 2010

kape!!



Kape pampaalis na antok
kahit na alam ko na parang niloloko ko lang ang sarili ko.. wala namang talaba. inaantok pa din ang mataba kung kaisipin kulang sa tulog,..


Fita kapartner ng kape may manguya lang..


Ganito talaga sa umaga..

Pero pag dating naman ng 08AM nagigising ako :D

Medyo magulo yata ang workstation ko...

LoveyahWork

Papasok ng maaga.. gigisingin ni nanay.. pag di agad nagising maari kang makatikim ng malambing na bato ng kahon, plastik na magaan at kung anu anu pa na di naman ako masasaktan.. pero useless hirap gumising..

This past days grabeh work overload..
walang time sa twitter
walang time sa tumblr
walang time sa blog
walang time mag FS

Pero my time mag update ng status sa Facebook :D

Pagsapit ng 6am dapat handa na ang scratchpad, notepad dagsa na ang tawag at email..
Ganito sa amin pero okey lang masaya na mahirap.

mahirap na nakakalibang
mahirap na nakakatuwa
mahirap kung mahirap.

Kung iisipin mong mahirap.. talagang mahirap.
Kung iisipin mong masaya talagang masaya..
Kung uumpisahan mo ng galit at inis anu sa tingin mong pwedeng maging kasunod.?

Paulit ulit lang naman ang tema ng gingawa mo sa trabaho may bago man kailangan mo lang itong pag aralan.. pag aralan upang matuto at upang maka survive ka dito.

Minsan naisip ko pag ginagabi ako sa trabaho okey lang yun. Ako din naman ang makikinabang nito sa huli at hindi naman kayo.

Walang masama sa pag stay ng matagal sa trabaho lalo na kung kailangan.
Kesa ng naman mag stay at manatili ako sa bahay, lalo lang akong tataba sa pag net at pagtulog.

11:24 am na tama na ang drama.
Ako inaantok na pero ka chat ko pa ang frend ko sa FB

Oh siya sige di ko na kaya.
Ang matabang babae ay matutulog na :P

Sunday, February 07, 2010

Heto na.

This time.. finally napagtanto ko na kung anung theme ng blog ko.. kung anu ang magiging concepto nito..

Ewan ko parang ang bitter ng naiisip ko :(

Sa blog na ito tatalakayin ko kung anung buhay meron ang isang babaeng mataba
Kung anung buhay meron siya. Although pangkaraniwan lang na topic trip ko lang din na ito ang maging concept ko.

Anung nga bang merun sa amin.?
Ano nga bang nararamadaman namin pag inaasar kami ng ibang tao?
Ano bang pakiramdam kung sa simulat simula ay hirap na kaming pumi li ng damit.?
Ano nga bang naiisip namen pag sumakay kami sa jeep at di kami magkasya :P

Ano nga ba? Bakit mahirap magpapayat?

Oh siya yaan muna.. may kung anung dapat pa pala akong gawin.



Matabang kaisipan

Saturday, February 06, 2010

Food Trip during weekend.


This is what you called weekend.. ganito kami pag weekend food trip :)
Salamat sa dalang pagkain ni Marj :P

Kumain nagkulitan.
Uminom ng softdrinks
Nagkulitan
Nabusog.
Nag asaran :D

Salamat sa kanila ang aking tanghalian ay libre :D

Siyempre wala ako kasi ako yung kumuha ng picture

>> Donna :D

Saturday.

Gabi na naman.
Tapos na ang day off ko.
Natulog.
Gumising.
Nainis.
Nagfacebook.
Nagtumblr.
Nag tweet

wala akong kinakausap sa amin
galit ako.. inis ako..

pagdating ng hapon buti naman nawala yun
at ngayun gumgawa na naman ako ng blog
wala na naman

Di ako alam why need to make a blog
Ito ba ang bespren ko?

Sino kayang matinong pwedeng makasama sa Feb 14

Bukas another day na naman sa work
Sana naman hindi ako ganoon ka prone sa error hays

Ayoko ng loveletter ni boss.

Kasama nga yata talaga yun.

Sige at kakain muna ako.. :-?

Wednesday, February 03, 2010

i really dont know whats happening here.

i really dont know whats happening here.
Weird dumating ako may umiiyak
ang weird talaga peste ng may nangyayari.

Pagdating pa lang may kakaiba ng kung anu pangyayari.
Hay naku may umiiyak anung merun. Teka anu bang ulam?
Takte ginisang kamatis na may itlog oo KAMATIS, mas maraming kamatis.

Di na ako nagkainteres pa na buksan ang pangalawang plato sa lamesa.
Mukhang di naman ako matutuwa. Sabay bukas sa laptop
Anu bang nangyayari bakit may umiiyak?

Log in agad sa facebook. Find Friends.. ayun may nakita ko may gusto pa lang
sumama sa swimming outing kaso di pinayagan.

Alam ko na kung bakit may nag-aalburoto.
Nako mahaba habang paliwanagan at paharingan ng salita ito.

Anu na naman kaya ang uungkatin na pangyayari.
Kanino na naman kaya ihahambing ang bawat kwentu.

Pag bumuga na ang apoy dirediretso na walang paki alam kung gabi na peste..
same same walang pagbabago..

Pero ewan ko kung may magpatayan man sa harap ko.. Siguro okey lang
Yun gusto nila eh. Basta ako tahimik na natitipa sa aking keyboard.

Surf sa Facebook..
Check ng tumblr.
Post sa twitter.

Kung gaano kadami ang Live feeds ko wala din namang humpay ang sermunan.

Anung kasalanan pa ang pwedeng maungkat dahil lang sa may isang taong di pinayagan sa gusto niyang gawin.

Sige magsagutan pa kayo, basta wag niyo lang akong idadamay sa mga pinagsasabi niyo.Bahala kayo.. malalaki na kayo..

Di din naman talaga tayo magkakaintindihan minsan kahit na isang pamilya tayo. Kung magulang ka dapat alam mo kung paano ang ugali ng anak mo.Ewan ko ba kung ano ang tumatakbo sa utak ko. Patuloy ako sa pagtitipa ng mga letra palalim na ag gabi sabi ko maaga ako matutulog pero kung ganito naman ang eksena ewan ko na lang.

Sa aming magkakapatid hetong pangalawa ang iba ang ugali.
Emotional minsan pero wala sa lugar. Iba sa ugali ko.
Siya nga naman kaya nga may tinatawag na individual differences.

Ganoon pa naman sa abot ng makakaya ko pilit kung iintindihin mahirap kalabanin

ang paniniwala at opinyon ng ibang tao lalo na kung kapamilya mo.

Minsan kahit na gaano mo pang sabihin na magulang mo ang kausap mo at ang usapan

ay tungkol na sa paniniwala at ugali mo. Wala na minsan na tatanggal ang pag

respeto.

Pasensiya puro pasensiya sa buhay..


May mali sa Magulang may mali sa anak.
May mali sa paligid mo.
May mali sa paniniwala mo..?? Paano at kailan mo masasabing mali ang paniniwala mo at katwiran mo nasaan ang batayan.


Walang perpekto lagi na lang walang perpekto.
Laging dahilan na tao ka lang at nagkakamali.. eh ano pa nga ba?

Minsan naisip niyo na ba na ang mga magulang ay way lang para mabuhay ka?
Di ba matagal ng issue na talaga namang karapatan ng magulang na pag aralin ang

anak? at talaga namang responsibilidad nila iyon.

Masama ka na ba kung wala lang utang ng loob.? Existing ba talaga ang utang ng

loob oh itoy likhang isip lamang?

Tama bang isumbat ng magulang sa anak ang paghihirap nila sa iyo?
Peste lowbat na ang laptop ko.

Kung sakaling layasan ka ng magulang mo sa kadahilanang sawa na siya sa katigasan

ng ulo mo anung maramdaman mo awa oh galit?

Gusto mo akong tanungin?

GALIT. Kung may aalis dahil sa kasawaan sa pagsita sa mga anak na pasaway, sana

lang walang magulang na bumabalik dahil sa pangungulila sa mga anak na kinasawaan

mong pagalitan.

Aba tae isang malaking kalokohan na iwan mo ang anakm mo dahil sa nagsawa ka na sa

pesteng ugali nito. Sino bang mas mahihirapan yung mga taong iniwan mo ikaw?????


Kung ikaw bilang anak bigo upang maging mabuting anak.. Mas bigo ang magulang

dahil di ka niyang napagtiyagaan hanggang sa huling pagkakataon para maging maayos

at mabuti.

Di ko ito sinusulat dahil sa sama ng loob.. simple lang wala akong mapagsabihan.
Ayoko namang manatili lang sa utak ko ito.

Ka cheapan kung ikwento ko pa sa iba.

Ka cheapan talaga.


Lagi na lang dinadahilan yung mga linyang..

Pag iniwan ko kayo... baka di niyo alam ang gagawin niyo..
pag ako nawala alagaan niyo mga kapatid niyo??

Bente tres anyos na ako pero hanggang ngayun yan pa din ang naririnig ko wala na

bang mas lumang linya na bebenta pa??

ajbdxsyucn bjhebf redfc ftveed

>> Do you want to close this tab?
Exit battery lowbat.../////